Ferdinand Marcos Sr.

[FALSE] Si Ferdinand Marcos Sr. ang nagdala ng Pilipinas sa “Modern World” – Bongbong Marcos

Akademiya at Bayan Kontra Disimpormasyon at Dayaan - ABKD

Contributor

[FALSE] Si Ferdinand Marcos Sr. ang nagdala ng Pilipinas sa “Modern World” – Bongbong Marcos

Screenshot from Toni Talks of Toni Gonzaga Studio Youtube Channel

CLAIM:
“I’m the son of the longest-lasting president who brought the Philippines into the modern world.” (Bongbong Marcos on Toni Talks Interview, September 13, 2021)

RATING: False

FACT-CHECK:
Ayon sa artikulong “Mga Datos Tungkol sa Martial Law” na makikita sa webiste na Martial Law Museum: “lumala ang karalitaan habang tumagal ang administrasyon ni Marcos. Bago mamuno si Marcos, 4 sa bawat 10 pamilya lamang ang mahirap. Sa katapusan ng kanyang administrasyon, 6 sa bawat 10 pamilya na ang mahirap… tuloy-tuloy na pagtaas ng presyo ng mga bilihin noong panahon ni Marcos.

Sa huling dekada ng Martial Law, triple ang linaki ng presyo ng mga basic commodities. Ang humahalaga ng Php 100 noong 1976 ay naging halos Php 400 na noong 198 at lumaki ang ating external debt magmula $0.36 billion noong 1961 hanggang sa naging $28.8 billion ito noong 1986. Maaaring iugnay ang paglobo ng ating utang sa pagdami ng imprastraktura sa bansa na siyang iniyayabang bilang economic growth noong panahon ni Marcos. Pero mula sa paglaki ng ating utang nanggagaling ang mas maraming paghihirap na kailangan pang tiisin ng mga susunod na henerasyon.

May kinalaman dito, tignan ang kalakip na komiks tungkol sa isyu.

Mga batis na ginamit sa fact-check:
– “Mga Datos Tungkol sa Martial Law.” Martial Law Museum, https://martiallawmuseum.ph/fl/magaral/martial-law-in-data/.
– Boyce, J. K. (1993). The political economy of growth and impoverishment in the Marcos era. Quezon City: Ateneo de Manila University Press.
– Punongbayan, JC and Mandrilla, Kevin. “Marcos years marked ‘golden age’ of PH economy? Look at the data.” Rappler, 05 March 2016, https://www.rappler.com/views/imho/124682-marcos-economy-golden-age-philippines.

Sining ni @silentsanctummanga (Instagram)

Add a comment

Sort by

There are no comments yet. Add your comment to start the conversation.