[FALSE] War On Drugs ni Duterte, ginawang ligtas at tahimik ang bansa

Akademiya at Bayan Kontra Disimpormasyon at Dayaan - ABKD

Contributor

[FALSE] War On Drugs ni Duterte, ginawang ligtas at tahimik ang bansa

Getty Images

CLAIM:
Noong panahon ng “dilawang” administrasyon, mula kay Cory at Noynoy Aquino, takot na takot ang mga tao. Madami ang mga magnanakaw at adik. Simula noong nagkaroon ng War on Drugs sa ilalim ni Pangulong Rodrigo Duterte, tumahimik ang lugar natin at naging safe tayo. (Daddy D, Tiktok video, 23 October 2021)

RATING: False

FACT CHECK:
Pinagsasang-ayunan ng mga lokal at internasyunal na human rights organizations na hindi naging “ligtas” ang bansa dahil sa War on Drugs sa ilalim ng pangulong Rodrigo Duterte. Batay mismo sa datos ng gobyerno, mula Hulyo 2016 hanggang 2020, humigit-kumulang 8,633 ang Pilipinong pinatay sa mga drug-related police operation. Ayon naman sa datos mula sa Philippine National Police, sa 42,286 na operasyong isinagawa nila, 1.2% (507) lamang ang mayroong warrant of arrest.

Dinidiin ng United Nations Office of the High Commissioner for Human Rights (OHCHR) noong Hunyo 2020 na konserbatibo ang bilang na ito. Maaari pa nga itong trumiple dahil sa mga kasong unreported at “vigilante” killings na isinasagawa ng mga di-kilalang tao. Dagdag pa ng Commission on Human Rights, 73 bata ang namatay sa mga operasyon ng War on Drugs.

May kinalaman dito, tignan ang kalakip na komiks tungkol sa isyu.

Mga batis na ginamit sa fact-check:
– Sinusuma ang datos mula sa gobyerno sa Situation of human rights in the Philippines: Report of the United Nations High Commissioner for Human Rights. https://undocs.org/en/A/HRC/44/22
– Philippine Police Killings in Duterte’s “War on Drugs” ng Human Rights Watch. https://www.hrw.org/report/2017/03/02/license-kill/philippine-police-killings-dutertes-war-drugs
– Philippines 2020 report ng Amnesty International. https://www.amnesty.org/en/location/asia-and-the-pacific/south-east-asia-and-the-pacific/philippines/report-philippines/#endnote-2

Sining ni @malayo_pa_ang_umaga (Instagram)

Add a comment

Sort by

There are no comments yet. Add your comment to start the conversation.