CLAIM:
Nabayaran ang mga pumunta sa EDSA People Power, ginamit ang mga sundalong bumaliktad, at kumuha sa simbahan ng kung sinu-sino. (Giting ng Pasig, Facebook video, 05 November 2021)
RATING: False
FACT CHECK:
Walang ebidensiya na magpapatunay na bayaran ang mga lumahok sa EDSA People Power Revolution. Kusang nakilahok ang mga Pilipino, na kumatawan sa iba’t ibang sektor ng lipunan, sa serye ng mga mapayapang kilos protesta na isinagawa mula Pebrero 22 hanggang 25, 1986. Ang EDSA People Power Revolution ay nangyari upang labanan ang diktaduryang Marcos. Pagnanais ito ng mga Pilipino na maibalik ang demokrasya sa bansa.
May kinalaman dito, tignan ang kalakip na komiks tungkol sa isyu.
Batis na ginamit sa fact-check:
– “EDSA 30, Pagbabago: Ipinaglaban n’yo, itutuloy ko!” Official Gazette, https://www.officialgazette.gov.ph/edsa/

There are no comments yet. Add your comment to start the conversation.