CLAIM:
Mga pekeng bayani at mga komunista ang karamihan ng nakalistang pangalan sa Bantayog ng mga Bayani. Sila ay hindi maituturing na mga mabubuting tao dahil naghasik sila ng lagim para pilitin si Ferdinand E. Marcos na magdeklara ng Martial Law. (Antonio Parlade, Facebook post, 03 May 2022)
RATING: False
FACT CHECK:
Ang mga pinarangalan sa Wall of Remembrance sa Bantayog ng mga Bayani ay ang mga taong nag alay ng sarili at nagsakripisyo sa pakikipaglaban sa diktadurang Marcos. Ang prosesong pinagdaanan upang makasama ang isang tao sa Bantayog – matapos ang nominasyon, validation at deliberasyon, kasama ang mga panayam at pagbisita sa mga pinangyarihan – ang nagtitiyak na ang mga tunay na nag alay ng sariling buhay at panahon sa pagsusulong ng kalayaan at demokrasya ang makakasama sa talaan ng mga pinarangalan. Kasama sa mga pinarangalan ang ilang doktor, abogado, kabataan, kababaihan, estudyante, guro, katutubo, manggagawa, magsasaka at lokal na pinuno.
May kinalaman dito, tignan ang kalakip na komiks tungkol sa isyu.
Mga batis na ginamit sa fact-check:
– “National Historical Commission of the Philippines. (2015). Ang Mamatay nang Dahil Sa’yo: Heroes and Martyrs of the Filipino People in the Struggle against the Dictatorship (2 vols.).
– “The story of Bantayog Foundation: Remembering the martial law martyrs and heroes.”” (n.d.). Bantayog ng mga Bayani, https://bantayog.wordpress.com/about/”

There are no comments yet. Add your comment to start the conversation.