CLAIM:
Matapos manalo sa pagkapangulo ni Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ay bumaba ang singil sa kuryente, tumaas ang minimum wage ng mga manggagawa, at makikita din ang pagbaba ng presyo ng gasolina. (Showbiz Fanaticz, YouTube, 14 May 2022)
RATING: MISLEADING!
FACT CHECK:
Walang kinalaman ang pagkapanalo ni Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa halalan sa pagbaba sa singil ng kuryente. Bagamat bumaba ang singil ng Meralco noong Mayo, dulot ito ng utos ng Energy Regulatory Commission na ibalik sa konsumer ang sobrang singil nito mula 2011 hanggang 2015. Samantala, ang dagdag sa mininum wage ay itinakda ng mga regional wage boards, kung saan walang papel si Marcos Jr. Wala rin siyang papel sa paggalaw ng presyo ng gasolina.
May kinalaman dito, tignan ang kalakip na komiks tungkol sa isyu.
Batis na ginamit sa fact-check:
– Cordero, Ted. (2022, May 11). “Meralco rolls back power rates in May due to ERC refund order.” GMA News Online, https://www.gmanetwork.com/news/money/companies/831303/meralco-rolls-back-power-rates-in-may-due-to-erc-refund-order/story/

There are no comments yet. Add your comment to start the conversation.