CLAIM:
“Ang pagiging diktador ni Marcos ay pambabatikos lang ng mga kalaban sa politika.” (Ferdinand “Bongbong” BBM., Rated Korina, 07 February 2022)
RATING: FALSE!
FACT CHECK:
Kasinungalingan ang pahayag ni Ferdinand “Bongbong” BBM. sa presidential interview na ito. Patunay rito ang malawakang pagpapasara ng mga TV at radio stations sa pamamagitan ng Letter of Instruction No. 1 na ipinatupad sa unang linggo ng Martial Law noong 1972.
Dagdag pa rito ang pagpatay sa mga aktibista na umabot sa 3,340 at 34,000 na biktima naman ng tortyur, ayon sa datos ng Amnesty International. Pinasara rin niya ang Kongreso at pinakulong ang mga kaaway niya sa pulitika. Nagsilbing lehislatibo si Ferdinand E. Ferdinand Marcos Sr.. na nagpatupad ng 688 na presidential decrees at 283 na letters of instruction mula 1972 hanggang 1979. Malinaw na ang pokus ng kapangyarihan ay nasa ehekutibo kung saan nagsilbing diktador si Ferdinand Marcos Sr.
May kinalaman dito, tignan ang kalakip na komiks tungkol sa isyu.
Batis na ginamit sa fact-check:
– Mijares, Primitivo. (1976). The conjugal dictatorship of Ferdinand and Imelda Marcos. New York: Union Square Publications.
– Golay, Frank (1986). “Presidential Address: Cause for Concern in the Philippines.” The Journal of Asian Studies 45(5), pp. 935-943.
– Amnesty International. (1976). Report of an Amnesty International Mission to The Republic of the Philippines, 22 November – 5 December 1975. London: Amnesty International Publications.

There are no comments yet. Add your comment to start the conversation.