Bongbong Marcos

[FALSE] Bongbong Marcos Jr., walang kinalaman sa rebisyunismo ng kasaysayan

Akademiya at Bayan Kontra Disimpormasyon at Dayaan - ABKD

Contributor

[FALSE] Bongbong Marcos Jr., walang kinalaman sa rebisyunismo ng kasaysayan

Toni Gonzaga Studio

CLAIM:
“Show me. Show me where there’s revisionism, from our part, our side, show me. Anything that we have said we can prove that this actually happened. Anak ako ni Marcos, para sa akin, maganda yung mga ginawa nya.” (Ferdinand “Bongbong” BBM., Rated Korina, 07 February 2022)

RATING: FALSE!

FACT CHECK:
Sinabi mismo ni Ferdinand “Bongbong” BBM noong nakapanayam siya ni Toni Gonzaga noong 13 Setyembre 2021 sa Toni Talks na “I’m the son of the longest lasting president who brought the Philippines into the modern world.” Ito mismo ay rebisyunismo ng kasaysayan. Ayon sa datos ng Martial Law Museum: “lumala ang karalitaan habang tumagal ang administrasyon ni Marcos.”

Bago mamuno si Marcos, 4 sa bawat 10 pamilya lamang ang mahirap. Sa katapusan ng kanyang administrasyon, 6 sa bawat 10 pamilya na ang mahirap… tuloy-tuloy na pagtaas ng presyo ng mga bilihin noong panahon ni Marcos. Sa huling dekada ng Martial Law, triple ang linaki ng presyo ng mga basic commodities. Ang humahalaga hg Php 100 noong 1976 ay naging halos Php 400 na noong 1986… lumaki ang ating external debt magmula $0.36 billion noong 1961 hanggang sa naging $28.8 billion ito noong 1986.” Para sabihin ni BBM. na “maganda yung mga ginawa niya [Ferdinand E. Ferdinand Marcos Sr..]” ay tahasang rebisyunismo ng kasaysayan.

May kinalaman dito, tignan ang kalakip na komiks tungkol sa isyu.

Mga batis na ginamit sa fact-check:
– “Mga Datos Tungkol sa Martial Law.” Martial Law Museum, https://martiallawmuseum.ph/fl/magaral/martial-law-in-data/.
– Boyce, J. K. (1993). The political economy of growth and impoverishment in the Marcos era. Quezon City: Ateneo de Manila University Press.

Sining ni Sat Ire (@ire_sat on Twitter)

Add a comment

Sort by

There are no comments yet. Add your comment to start the conversation.