CLAIM:
Si Jose Rizal ay hindi talaga namatay sa Bagumbayan at isang malaking palabas lamang ito ng mga Jesuits upang iligtas siya mula sa mga banta sa kaniyang buhay. Nagbago si Rizal ng identidad bilang si Fr. Jose Antonio Diaz, naging pinunong pari sa Vatican, at pinagkatiwalaan ng kayamanan ng mga monarkiya. Sa tulong ni Ferdinand Marcos, Sr. ay binuo nila ang Global Debt Facility upang gamitin ang kayamanang ito para tustusan ang mga pangangailangan ng mga bansa. (Tuklas ni Kulas, Youtube Video, April 20, 2021)
RATING: False
FACT CHECK:
Si Rizal ay binitay sa Bagumbayan noong 30 Disyembre 1896 sa ganap na 7:03 ng umaga. Bago nito, siya ay kinulong sa Fort Santiago kung saan naganap ang kanyang court martial. May mga dokumento na nagpapatunay ng opisyal na seremonya ng paglipat ng mga labi ni Rizal patungo sa kanyang monumento sa Luneta noong 1912. Walang ebidensya para suportahan na si Rizal ay nabuhay bilang si Fr. Diaz at nakilala niya si Ferdinand Marcos, Sr. Hindi makikita ang mga nasabing alyas diumano ni Rizal sa alinman sa mga akda niya o kalipunan ng mga liham. Wala ring dokumentasyon na siya ay dinala sa Vatican.
May kinalaman dito, tignan ang kalakip na komiks tungkol sa isyu.
Mga batis na ginamit sa fact-check:
- Guerrero, Leon Maria III. 1971. The First Filipino: A Biography of Jose Rizal. Manila: Vertex Press.
- Sauler, Erika. “Jose Rizal’s spinal bone to be symbolically interred Sunday.” Inquirer.net, 29 December 2012, https://newsinfo.inquirer.net/331737/jose-rizals-spinal-bone-to-be-symbolically-interred-sunday#ixzz7FgB6zl3Z
- “Ang mga Huling Araw ni Rizal at ang Paglilibing sa Kaniya.” Malacañang Palace Presidential Museum and Library, http://malacanang.gov.ph/75792-ang-mga-huling-araw-ni-rizal-at-ang-paglilibing-sa-kaniya/?fbclid=IwAR2ftcFiH_gu_SPBYcn72semGUsTjOXX_L_bTS7em4vCCBqsoIlURA69Ay

There are no comments yet. Add your comment to start the conversation.