CLAIM:
Noong panahon ng Martial Law sa ilalim ni Ferdinand Marcos Sr., pinakapayapa at maunlad ang Pilipinas. Ang mga kinulong at pinatay noong panahon ng Martial Law ay mga rebelde, terrorista, at komunista lamang. (Sankay Janjan TV Official Facebook Page, September 21, 2020)
RATING: False
FACT CHECK:
Ayon sa datos ng Amnesty International, 3,340 ang naging biktima ng extra-judicial killings, 34,000 ang naging biktima ng tortyur, 70,000 ang mga indibidwal na kinulong, at 737 ang kaso ng mga desaparecidos. Hindi lang mga aktibista ang naging biktima ng Batas Militar.
Maraming kilalang mamamahayag ang kinulong tulad nina Teodoro Locsin Sr. ng Philippines Free Press, Chino Roces ng Manila Times, Amando Doronila, Luis Beltran, Maximo Soliven, at iba pa. Patunay ito na hindi mapayapa ang panahon ng Batas Militar. Bagkus ito ay panahon ng madugong pagkitil sa karapatan ng mga Pilipino na lumaban sa diktadurya.
May kinalaman dito, tignan ang kalakip na komiks tungkol sa isyu.
Mga batis na ginamit sa fact-check:
- Amnesty International. (1976). Report of an Amnesty International Mission to The Republic of the Philippines, 22 November – 5 December 1975. London: Amnesty International Publications.
- Amnesty International. (1982). Report of an Amnesty International Mission to The Republic of the Philippines, 11 – 28 November 1981. London: Amnesty International Publications.
- Dela Peña, Kurt. “Marcos’ martial law: Golden age for corruption, abuses.” Inquirer.net, 21 September 2021, https://newsinfo.inquirer.net/1490968/marcos-martial-law-golden-age-for-corruption-abuses#ixzz7FkxDxK5T

There are no comments yet. Add your comment to start the conversation.