Bongbong Marcos

[MISLEADING] Pagbabalik ng Oil Price Stabilization Fund (OPSF), Pipigil sa Pagtaas ng Presyo ng Langis

Akademiya at Bayan Kontra Disimpormasyon at Dayaan - ABKD

Contributor

[MISLEADING] Pagbabalik ng Oil Price Stabilization Fund (OPSF), Pipigil sa Pagtaas ng Presyo ng Langis

Photo by Arturo Añez: https://www.pexels.com/photo/abandoned-gas-station-12374269/

CLAIM:
Ang pinaplano ni BBM na pagbabalik ng Oil Price Stabilization Fund (OPSF) ay pipigilan ang pagtaas ng presyo ng langis kahit na mag-surge ang presyo nito sa international market. Dati itong programa ni Ferdinand Marcos Sr. na hindi na ipinagpatuloy ng mga susunod na administrasyon. (Ask Teacher Popong, YouTube video, 13 July 2022)

RATING: Misleading

FACT-CHECK:
Ang pagpapatupad ng Oil Price Stabilization Fund (OPSF) ay mula kay Marcos Sr. hanggang kay Cory Aquino. Pangunahing pumuprotekta ito sa kita ng oil Transnational Companies (TNCs) sa panahon na tumataas ang palitan ng dolyar o tumataas ang presyo ng langis sa pandaigdigang mercado. Kinukuha sa OPSF at ibinibigay sa oil TNCs ang diperensiya sa presyo ng langis sa halip na agarang maramdaman ng mamimili ang pagtaas ng presyo.

Sa ganitong iskema din napoprotektahan ang mga kita ng oil TNCs tuwing may rollback sapagkat ang OPSF din magpopondo sa pag-atras ng presyo ng langis habang ang ginagamit na langis sa mga gasolinahan ay ang imbentaryo bago pa maglunsad ng rollback. Sa panahon ng pagtaas at pagbaba ng presyo ng langis, ang kita ng oil TNCs ang naseseguro at hindi ang kapakanan ng mamimili ang pangunahing nabibigya ng proteksyon ng OPSF.

Batis na ginamit sa fact-check:
Ibon Foundation, Inc. (2002). The Philippine Oil Industry. Ibon Foundation, Inc., p. 52.

Add a comment

Sort by

There are no comments yet. Add your comment to start the conversation.