CLAIM:
Ang pinaplano ni BBM na pagbabalik ng Oil Price Stabilization Fund (OPSF) ay pipigilan ang pagtaas ng Nagsasabuwatan ang mga mga oligarko at aktibista para mapasama ang imahe ng kasalukuyang administrasyon. Ang mga aktibista ay nanggugulo ngayon para mapilitang magdeklara ulit ng Martial Law si Bongbong Marcos. Ang mga oligarko naman ay nagho-hoard ng produkto para tumaas ang presyo ng bilihin. (Duterte Supporters Facebook Group, Caption, 25 August 2021)
RATING: False
FACT CHECK:
Walang anumang ebidensya na may sabwatan ang mga oligarkiya at atibista para mapasama ang imahe ng kasalukuyang administrasyon, Ang mga oligarkong gaya ng mga Macapagal-Arroyo, Romualdez, Remulla, Villar, Estrada, at Araneta ang kabilang sa mga sumusuporta sa pamahalaang Marcos. Ang mga aktibista naman ang nagpapatuloy sa pagpuna sa mga kalagayang nakasasama sa sambayanan – gaya ng mataas na presyo ng bilihin, kawalan ng trabaho, lumalawak na kahirapan, at di pagkilala sa karapatang pantao – mga bagay na hindi pinapansin ng pamahalaang Marcos.
Lumang tugtugin na ang sinasabing sabwatan ng mga oligarko at aktibista laban sa pamahalaan. Sa katunayan, ganitong ganito ang ginamit ni Ferdinand Marcos Sr., nang tinukoy niya ang pagsawata sa sabwatan ng aniyay “oligarchic right at communist left” upang mabigyan ng justification ang deklarasyon ng martial law noong 1972. Sa kalaunan, naging dahilan lamang ang martial law upang magkaroon ng malawakang pandarambong sa kabang yaman ng bayan at bigyan ng pabor ang kapanalig na oligarkiya na mga crony ng mga Marcos.
Batis na ginamit sa fact-check:
Marcos, Ferdinand. Revolution from the Center: How the Philippines is Using Martial Law to Build a New Society. Hongkong: Raya Books, 1978.
There are no comments yet. Add your comment to start the conversation.