CLAIM:
Walang napatunayang ninakaw si BBM dahil dismissed ang lahat ng kaso nito. (Minnie Pasag, TikTok comment section, 25 June 2022)

RATING: False
FACT CHECK:
Pinahintulutang tumakbo ng COMELEC si Bongbong Marcos kahit convicted siya kasama ang pamilya niya sa mga kaso. Noong taong 2003, hinatulan ng Korte Suprema ng Pilipinas bilang ill-gotten wealth ang humigit kumulang na USD $658,175,373.60 na halaga ng mga Swiss deposits ng mga Marcos.
Bagamat ang kaso ay nakapangalan kay Ferdinand Marcos Sr. at Imelda Marcos, nakasaad sa court decision na G.R. No. 152154, July 15, 2003 na kasangkot ang mga anak nito sa pag-amin at pagmamay-ari ng mga Swiss deposits. Gayundin, hindi pa rin na-idedeklarang “collected” ang utang na estate tax ng mga Marcos sa gobyerno ng Pilipinas mula noong pasya ng Korte Suprema taong 1991 na nagkakahalagang P203.819 billion.
Sa kasalukuyan, tuloy-tuloy pa rin ang Presidential Commission on Good Governance (PCGG) sa paglikom ng mga ninakaw na yaman ng mga Marcos na tinatayang nasa halagang Php 125 billion. Samantala, taong 2011 naman ay nahatulan ng Hawaiian District Court si Bongbong Marcos at Imelda Marcos ng “contempt of court” na may multang halagang USD $353.6 million dahil sa hindi nito pagsunod sa utos ng korte noong 1992 na nagbabawal ng pagdidissipate ng mga “assets” sa estate ng mga Marcos. Ang hatol na ito rin ang nagbawal kay Bongbong at Imelda na pumasok sa kahit na anong teritoryo ng Amerika.
Mga Batis na ginamit sa fact-check:
– Ex-PCGG exec recalls Marcos Jr.’s role in ill-gotten wealth cases – https://newsinfo.inquirer.net/1563155/ex-pcgg-exec-recalls-marcos-jr-s-role-in-ill-gotten-wealth-cases
– Ill-Gotten Wealth Recognized by the Philippine Supreme Court – https://hrvvmemcom.gov.ph/ill-gotten-wealth-recognized-by-the-philippine-supreme-court-2/
– REPUBLIC OF THE PHILIPPINES, PETITIONER, VS. HONORABLE SANDIGANBAYAN (SPECIAL FIRST DIVISION), FERDINAND E. MARCOS (REPRESENTED BY HIS ESTATE/HEIRS: IMELDA R. MARCOS, MARIA IMELDA [IMEE] MARCOS-MANOTOC, FERDINAND R. MARCOS, JR. AND IRENE MARCOS-ARANETA) AND IMELDA ROMUALDEZ MARCOS, RESPONDENTS. – https://elibrary.judiciary.gov.ph/thebookshelf/showdocs/1/48708
– Marcos lose US appeal – https://globalnation.inquirer.net/54454/marcoses-lose-us-appeal
There are no comments yet. Add your comment to start the conversation.