CLAIM:
Alam at nagbabala si Bongbong Marcos ang mga plano ng Central Intelligence Agency na panghimasukan ang eleksyon sa Pilipinas dahil sa ginawang pangeespiya din nito sa kaniyang tatay na si Ferdinand Marcos Sr. (Ask Teacher Popong, YouTube, 12 November 2021)

RATING: False
FACT CHECK:
Walang ebidensya na nangialam ang CIA sa halalan noong Mayo 2022. Binati ng gobyerno ng US at China ang Pilipinas pagkatapos ng eleksyon, at pinuri ang maayos na proseso at ang pagsunod sa mga batayang internasyunal.
Ngunit, may ilang taga-bantay na pinagdududahan ang proseso at resulta ng election. Inulat ng International Observer Mission (IOM), isang grupo ng 60 na katao mula sa 11 na bansa, na hindi malaya o makatarungan ang huling eleksyon. Ayon sa IOM, talamak ang mga kaso ng vote-buying, red-tagging, pagkakalat ng fake news, depektong vote counting machines, pag-aaresto nang walang lehitimong basehan, at iba pang anomalya na nakakapanira sa katatagan ng halalan.
Mga Batis na ginamit sa fact-check:
- “Biden, Xi congratulate Marcos Jr on Philippine presidential win.” Al Jazeera, 12 May 2022, https://www.aljazeera.com/news/2022/5/12/us-china-congratulate-marcos-jr-on-philippine-presidential-win.
- del Callar, Michaela. “US to work with new gov’t, says Philippine elections followed int’l standards.” GMA News, 11 May 2022, https://www.gmanetwork.com/news/topstories/nation/831289/us-to-work-with-new-gov-t-says-philippine-elections-followed-int-l-standards/story/.
- International Observer Mission. “Final Report of the Philippine Elections 2022,” International Coalition for Human Rights in the Philippipnes, 28 June 2022, https://ichrp.net/massive-fraud-observed-in-philippines-elections/
There are no comments yet. Add your comment to start the conversation.