[FALSE] PBBM, kinikilala ng mga world leaders na pinaka-importanteng tao sa APEC Summit

Akademiya at Bayan Kontra Disimpormasyon at Dayaan - ABKD

Contributor

[FALSE] PBBM, kinikilala ng mga world leaders na pinaka-importanteng tao sa APEC Summit

Image Credit. 2022 OFFICE OF THE PRESIDENT

CLAIM:
Si President Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. ang Kinikilala ng Mga World Leaders Na Pinaka-Importanteng Tao sa APEC Summit. Pinakaunang inimbita si Bongbong Marcos ng pinakamayamang hari sa buong mundo na si King Maha Vajiralongkorn sa APEC meeting sa Thailand. (Sa Iyong Araw Youtube Channel, 18 November 2022)

Screenshot ng Youtube Video

RATING: False

FACT CHECK
Ang maagang imbitasyon kay Marcos ay hindi indikasyon ng pagtingala sa kanya bilang mahusay na lider. Sa katunayan, hindi pa siya opisyal na nanumpa sa pagkapangulo nang siya ay maimbitahan para sa APEC Summit 2022. Ang 21 bansang miyembro ng APEC ay inaasahan naman talagang mapadadalhan ng imbitasyon sa pagpupulong na ito.

Nataon din ang imbitasyon kay Marcos sa kanyang courtesy call sa mga diplomats ng mga bansang Timog Silangang Asya sa Pilipinas na dinaluhan ng Thai Chargé d’Affaires na si Thawat Sumitmor. Dagdag pa rito, tanging mga bansang hindi miyembro ng APEC ang nakatatanggap ng epesyal na imbitasyon katulad na lamang ng prinsipe ng Saudi Arabia na si Mohammed bin Salman, ang pangulo ng France na si Emmanuel Macron, at ang punong ministro ng Cambodia na si Hun Sen.

Mga Batis na ginamit sa fact-check:
– Asia-Pacific Economic Cooperation. (2016, July). “Guidelines for Hosting APEC Meetings”. https://www.apec.org/docs/default-source/AboutUs/PoliciesandProcedures/Meetings/Guidelines-for-Hosting-APEC-meetings_Jul2016.pdf?la=en&hash=5B100E15510952EA1CD2E2B549BCBFDED7701175

– Marcelo, Elizabeth. (2022, June 09). Marcos to attend face-to-face APEC Summit. https://www.philstar.com/headlines/2022/06/09/2187160/marcos-attend-face-face-apec-summit

– The Nation Thailand. (2022, November 01). “14 leaders confirm they will be at APEC Summit in Bangkok, Putin undecided”. https://www.nationthailand.com/thailand/40021611

Add a comment

Sort by

There are no comments yet. Add your comment to start the conversation.