PAHAYAG:
“Ang totoong Human Rights Vioaltion ay yung pahirapan ang mga taong bayan sa pagbayad ng mahal na kuryente at tubig at ang pagkaantala ng pag unlad ng Pilipinas dahil sa EDSA EDSA na yan.” (Atty. Larry Gadon, Facebook video, 25 February 2023)
RATING: False
FACT CHECK:
Kasinungalingan ang pahayag ni Atty. Larry Gadon sa kanyang Facebook video post na EDSA Revolution ang dahilan para sa mahal na singil sa tubig at kuryente ng bansa. Kung titingnan ang mga akademikong pag-aaral sa ekonomiya ng bansa, matapos mapatalsik si Ferdinand Marcos Sr. ay umabot ng 21 na taon upang maka-recover ang ekonomiya. Naapektuhan nito ang kita ng mga Pilipino na nanatiling mababa, pangkalahatang kalidad ng kabuhayan ng mga Pilipino, at ang mabagal na pag-usbong ng ekonomiya. Ang pagbulusok na ito ay bunsod ng economic mismanagement at ang sistematokong pagnanakaw sa kaban ng bayan ng rehimang Marcos at kanyang mga cronies.
Mga batis na ginamit sa fact check:
– Punongbayan, JC and Mandrilla, Kevin. (2016, March 05). “Marcos years marked ‘golden age’ of PH economy? Look at the data.” Rappler. https://www.rappler.com/voices/imho/124682-marcos-economy-golden-age-philippines/
– IBON Foundation. (2021, September 21). “Golden years?: The real long-lasting economic damage wrought by Marcos.” Ibon.org. https://www.ibon.org/golden-years-the-real-long-lasting-economic-damage-wrought-by-marcos/
Atty. Larry Gadon strikes again. Thanks to AKADEMIYA AT BAYAN KONTRA DISIMPORMASYON AT DAYAAN – ABKD for checking his Facebook video post. Although damage has been done, but at least it has been countered by Truth. This type of People (Disseminators of Dis-information) should have reached the highest level of Falsification (and personal satisfaction) if not of some fact-checkers like ABKD.