Fact Check

[MISSING CONTEXT] PD27 ni Ferdinand Marcos Sr., ‘nagpapalaya ng magsasaka sa pagkaalipin sa lupa’

Akademiya at Bayan Kontra Disimpormasyon at Dayaan - ABKD

Contributor

[MISSING CONTEXT] PD27 ni Ferdinand Marcos Sr., ‘nagpapalaya ng magsasaka sa pagkaalipin sa lupa’

Image credit. International Rice Research Institute/Martial Law Museum

PAHAYAG:
“Palapit na ang ika dalawampu’t isa ng Oktubre, at lalampas na ang ika-limang dekada ng PD27 ‘Pagpapalaya ng mga magsasaka sa pagkaalipin ng lupa’. Ngunit bigo parin ang marami nating magsasaka na mapasakanila ang munting bahagi ng ating lupa, lupa na kung tutuusin ay yaman ng bawat Pilipino at ng buong lipi.” (Privilege speech of Sen. Imee Marcos on agrarian reform, 07 September 2022)

RATING: MISSING CONTEXT

FACT CHECK:
Kailangang isakunteksto ang privilege speech ni Sen. Marcos tungkol sa agrarian reform. Kahit ang Presidential Decree 27 o PD27 ni Ferdinand Marcos Sr. ay palpak sa pamimigay ng lupa sa mga magsasakang Pilipino dahil mga Marcos mismo ang nagbigay ng kapangyarihan sa kanilang mga landlord cronies upang mapalawig ang kapit sa lupa. Isa rito si Antonio Floirendo Sr. na kilala sa pagkakaroon ng 5,500 hektaryang banana plantation sa Davao del Norte na umalipin sa mga inmates ng Davao Penal Colony upang mapatakbo ang produksyon ng kanyang negosyo.

Batis na ginamit sa fact check:
Manapat, Ricardo. (1991). Some are smarter than others: The history of Marcos’ crony capitalism. New York: Aletheia Publications.

Add a comment

Sort by

There are no comments yet. Add your comment to start the conversation.