Fact Check

[FALSE] Japan, Pilipinas, at Estados Unidos Nagkakaisa Laban sa Paparating na Laban Kontra China

Akademiya at Bayan Kontra Disimpormasyon at Dayaan - ABKD

Contributor

[FALSE] Japan, Pilipinas, at Estados Unidos Nagkakaisa Laban sa Paparating na Laban Kontra China

PAHAYAG: Japan, Pilipinas, at United States nagsanib puwersa para sa nalalapit na digmaan kontra China. (PweDelie TV, YouTube, 10 April 2023)

RATING: FALSE

FACT CHECK:
Walang digmaan laban sa Tsina at hindi nagsanib pwersa ang Pilipinas, Japan, at Estados Unidos. Ngunit mayroong apat na bagong Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA) sites-Naval Base Camilo Osias in Sta. Ana, Cagayan; Lal-lo Airport in Lal-lo, Cagayan; Camp Melchor dela Cruz in Gamu, Isabela; at Balabac Island in Palawan-na maaaring magamit ng mga puwersang militar ng Estados Unidos. Inilunsad rin ang pinakamalaking Balikatan exercises na kasasangkutan ng 17,600 na mga sundalong Pilipino at Amerikano na sinimulan noong ika-11 ng Abril at tatagal hanggang ika-28 ng Abril 2023. Ang mga kaganapang ito ay nagbubukas sa posibilidad na magamit ng Estados Unidos ang Pilipinas para sa mga proxy wars nito laban sa Tsina. Hinahamon rin ng presensya ng mga military bases ang soberanya ng Pilipinas.

Batis na ginamit sa fact check:
Flores, Helen. (2023, April 11). “EDCA sites not for offensive actions – Marcos.” PhilStar Global, https://www.philstar.com/headlines/2023/04/11/2258017/edca-sites-not-offensive-actions-marcos

Add a comment

Sort by

There are no comments yet. Add your comment to start the conversation.