CLAIM:
“Sa pamamagitan ng gold investments ni Marcos na ipinahiram sa mga national governments at the same time nagsilbing investments ni Marcos para sa future ng Pilipinas, kayang pasunurin ng gobyerno ng Pilipinas ang lahat ng mga bansa para labanan ang mga Elite na itayo ang kanilang one world government and one world currency.”
(Filipino Future Youtube Channel, 11 January 2022)
RATING: False – Conspiracy Theory
FACT CHECK:
Pawang conspiracy theory ang “one world government and one world currency” na nakasaad sa pahayag. Nasaan ang mga dokumento na nagpapatunay sa ganitong plano? Dagdag pa, napatunayan ring kathang-isip lamang ang pag-invest ni Ferdinand E. Marcos, Sr. ng ginto sa ibang bansa.
Kung ganito kadami ang ginto ng Pilipinas sa ilalim ng rehimeng Marcos, bakit hindi naitala ang Pilipinas sa mga bansang may pinakamaraming gold reserves? Ang katotohanan dito ay ill-gotten wealth ang kayamanan ng mga Marcos na pinatunayan na ng mga corruption cases laban sa kanila.
May kinalaman dito, tignan ang kalakip na komiks tungkol sa isyu.
Mga batis na ginamit sa fact-check:
– US Department of State. “Proceedings and Documents of the United Nations Monetary and Financial Conference, Bretton Woods, New Hampshire, July 1-22, 1944.” Fraser: Discover Economic History. https://fraser.stlouisfed.org/title/430/item/7570…
– GoldHub. “Monthly central bank statistics.” https://www.gold.org/…/monthly-central-bank-statistics…

There are no comments yet. Add your comment to start the conversation.