CLAIM:
“Maraming galit sa mga Marcos. Pero kung galit kayo panindigan nyo. Iboycot niyo ang mga pagawa ni Marcos….wag kayo dumaan sa EDSA.” (Facebook Page of Kuya Erwin Tol, reposted on various Facebook accounts)
RATING: False
FACT CHECK:
Sa panahon ni President Manuel L. Quezon naipagawa ang EDSA na tinawag noon na North and South Circumferential Road. Kalaunan ay tinawag rin itong Highway 54. Noong 1959, sa panahon ni Pangulong Carlos P. Garcia, opisyal na ginamit ang pangalang EDSA para sa highway na ito.
May kinalaman dito, tignan ang kalakip na komiks tungkol sa isyu.
Mga batis na ginamit sa fact-check:
– Ocampo, Ambeth. “Who was Epifanio de los Santos?.” Inquirer.net, 29 June 2018, https://opinion.inquirer.net/114241/epifanio-de-los-santos-2
– Mirasol, Patricia. “Who is Edsa? A Brief History Behind the Name.” When In Manila, 13 March 2015, https://www.wheninmanila.com/who-is-edsa-brief-history-behind-the-name/

There are no comments yet. Add your comment to start the conversation.