CLAIM:
Ang laban at elektoral na kampanya ni Leni Robredo ay para lang labanan ang mga Marcos. Personal, paghihiganti, at away lang ang motibo ng kaniyang pagtakbo. (Manila Mayor Isko Moreno, Joint Press Conference covered by ABS-CBN News Livestream, 17 April 2022).
RATING: False
FACT CHECK:
Batay sa ilang kwalipikasyon na nakasaad sa Saligang Batas ng 1987 (Artikulo VII, Seksyon 2), maaaring tumakbo ang sinumang mamamayan para sa posisyon ng pangulo ng bansa. Kinikilala ng Commission on Elections (COMELEC) ang karapatan ni VP Leni Robredo na tumakbo sa naturang posisyon.
Ang pangunahing dahilan ng pagtakbo ng mga kandidato sa isang eleksyon ay ang kanilang mga plataporma. Maaaring tunghayan at paghambingin ng sinumang botante ang mga plataporma at programa nina VP Leni Robredo at Bongbong Marcos para pumili ng kanilang iboboto sa darating na eleksyon.
Mga Batis na ginamit sa fact-check:
– Presidential Candidate 10. Robredo, Leni. Https://Votepilipinas.Com/Candidate/Robredo-Leni.Html
– Republic of the Philippines, Commission on Elections, “May 9, 2022 National And Local Elections Certified List Of Candidates.” https://comelec.gov.ph/php-tpls-attachments/2022NLE/TentativeListsofCandidates/NATIONAL_12242021.pdf
– The 1987 Constitution. The Constitution of the Republic of the Philippines. https://www.Officialgazette.Gov.Ph/Constitutions/1987-Constitution/
There are no comments yet. Add your comment to start the conversation.