Bongbong Marcos

[FALSE] Administrasyong Marcos Jr., walang magagawa upang pigilan ang inflation sa bansa

Akademiya at Bayan Kontra Disimpormasyon at Dayaan - ABKD

Contributor

[FALSE] Administrasyong Marcos Jr., walang magagawa upang pigilan ang inflation sa bansa

2018 Rappler

CLAIM:
Huwag isisi kay Pangulong Marcos ang inflation dahil hindi makokontrol ang inflation hangga’t hindi tumitigil ang banggaan ng Russia at Ukraine. Kahit sa USA at European countries ay may inflation din. (PBBM News, Facebook post, 08 November 2022)

RATING: False

FACT CHECK:
Bagama’t nakararanas ang buong mundo ng pagtaas ng presyo ng bilihin, mali ang sabihin na walang magagawa ang administrasyong Marcos upang kontrolin ang epekto nito sa bansa. Maaaring magkaroon ng regulatory measures tulad ng pagsuspinde sa excise tax, pagsuporta sa pagtaas ng lokal na produksyon upang maibsan ang dependency sa imported goods, at pagbutihin ang sistema ng marketing at logistics para sa mga magsasaka.

Maaari ring masolusyonan ito sa pamamagitan ng pagtaas ng sahod at pagbibigay ng ayuda sa mga pinakamahihirap na pamilyang Pilipino. Liban pa sa mga subsidiya at ayuda, dapat nang solusyonan ng administrasyong Marcos ang matagal nang suliranin ng Pilipinas hinggil sa kakulangan ng pag-unlad ng agrikultura at lokal na industriya.

Ang ilang pamahalaan gaya sa Bahamas ay nag-anunsyo ng pagpapatupad ng price control sa ilang basic goods bilang hakbang laban sa epekto ng inflation. Sa ilang mga pamahalaan sa Europa gaya ng sa Espanya naman ay pinagibayo ang pagpapatibay ng pabahay at subsidiya para sa pampublikong transportasyon, habang ayuda naman ang naging inisyal na solusyon ng Czech Republic. Pinapakita ng ilang mga nabanggit na halimbawa na hindi totoong hindi makokontrol ang inflation ng administrasyong Marcos. Nasa kamay pa rin nito kung paano maaaring ibsan ang dulot nito sa mga Pilipino.

Mga Batis na ginamit sa fact-check:
– Soaring inflation can be tempered—IBON: https://www.ibon.org/soaring-inflation-can-be-tempered-ibon/?fbclid=IwAR1pewt5CnJSXrDbxnV3pthkrK2FDbWjqoj7EexYXe2J4Y6lU97PGGdQxSY
– How European countries are dealing with rising inflation and energy prices: https://www.ips-journal.eu/topics/economy-and-ecology/how-european-countries-are-dealing-with-the-rising-inflation-6105/
– Bahamas to introduce price controls on dozens of key food staples: https://www.reuters.com/markets/bahamas-introduce-price-controls-dozens-key-food-staples-2022-10-13/

Add a comment

Sort by

There are no comments yet. Add your comment to start the conversation.