Ferdinand Marcos Sr.

[MISSING CONTEXT] Ferdinand Marcos Sr., pinasimulan ang NEDA para palakasin ang ekonomiya ng bansa

Akademiya at Bayan Kontra Disimpormasyon at Dayaan - ABKD

Contributor

[MISSING CONTEXT] Ferdinand Marcos Sr., pinasimulan ang NEDA para palakasin ang ekonomiya ng bansa

1981 Revolution From the Center Film

CLAIM:
Ang pinasimulan ni Ferdinand Marcos Sr. na National Economic and Development Auithority (NEDA) ay tumulong palakasin muli ang ekonomiya ng Pilipinas. Naging planning vehicle ito para sa development efforts ng gobyerno at nagpabilis ng pagpapatupad ng mga proyekto. Siniguro nito ang kabuhayan ng mga mamamayan sa pamamagitan ng pagresolba ng mga ugat ng kahirapan. (Revolution from the Center – Film by Dik Trofeo of the National Media Production Center, Film, 1981)

RATING: Missing Context

FACT CHECK:
Ayon mismo sa website ng NEDA, ang National Economic Council na nabuo sa bisa ng Commonwealth Act No. 2 na inaprubahan ng National Assembly noong 23 Disyembre 1935 ang pinagmulang ahensya nito. Nagdaan ito sa iba-ibang pangalan sa pagdaraan ng panahon – National Planning Board/Economic Planning Board noong 1944 sa ilalim ng mga Hapones; National Economic Council muli noong 1947 at napagtibay sa bisa ng Republic Act 997 of 1954, matapos ang digmaan; Noong 1962, nabigyan ng Cabinet Rank ang Director-General ng ahensya.

Pinangalanan itong National Economic and Development Authority noong 24 January 1973 sa bisa ng PD 107 at muling nareorganisa noong 1987 sa ilalim ng EO 230. Ang National Historical Commission of the Philippines ang nag affirm na ang founding date ng NEDA ay 23 Disyembre 1935.

Mga Batis na ginamit sa fact-check:
– NEDA. (2020, JULY 29). “About NEDA.” National Economic and Development Authority, https://neda.gov.ph/about-neda/

Add a comment

Sort by

There are no comments yet. Add your comment to start the conversation.